
Matagumpay na naaresto ang consignee ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P800,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ayon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP – AVSEGROUP), may timbang ang shabu na 121 grams at nagkakaharap ng P822,800.
Ang parcel ay galing sa United States at dumaan sa routine X-ray screening sa Central Mail Exchange Center.
Hindi ito nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) matapos makitaan ng kahina-hinalang larawan.
Agad namang nagsagawa ng K-9 inspection ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at positibong may laman itong shabu.
Agad namang dinala sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – Inter-Agency Interdiction Task Group Operations Center sa NAIA Terminal 3 para sa processing habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek.










