Mahigit P86-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa

Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon bunsod nang pinagsamang low pressure area, northeast monsoon at shearline.

Sa katunayan, umaabot na sa kabuuang P86 million ang tulong na naibigay ng gobyerno sa mga apektadong residente.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ibinigay ang tulong sa mga apektadong residente sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.


Kabilang sa mga naipamahaging tulong ay ang family food packs, assorted goods, hygiene kits, family kits, sleeping at kitchen kits, gasolina, collapsible water container, hot meals, jerry cans, mga gamot, bitamina at maraming iba pa.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa kabuuang 412,339 pamilya o katumbas ng mahigit 1.6 milyong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Facebook Comments