
Nag-iwan ng mahigit sa P9.7 billion na pinsala ang nagdaang mga bagyo at habagat.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng mahigit P9.5 billion na pinsala ang sama ng panahon sa imprastraktura.
Pinakanapuruhan ang Central Luzon kung saan nakapagtala ng mahigit sa P3.8 billion na pinsala na sinundan naman ng Ilocos Region at CALABARZON.
Samantala, nag-iwan din ng mahigit sa P1.9 billion na halaga ng pinsala sa sektor ng Agrikultura sa 12 rehiyon sa bansa.
Karamihan sa mga napinsala ay palay, mga high value crops, fisheries, livestock at poultry habang nasa 66,997 na mga magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhan ang kabuhayan.
Nakapagtala rin ng mahigit sa 37,000 kabahayan ang winasak ng bagyo kung saan 33,355 dito ang partially damaged at 4,530 ang totally damaged.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, 34 na ang nasawi dulot ng sama ng panahon kung saan nakapagtala rin ng 22 sugatan at 7 nawawala.









