
Umaabot sa mahigit ₱9.7 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula sa kanilang 12 operasyon na isinagawa mula July 7 hanggang July 13, 2025.
Sa naturang operasyon, sampung buy-bust at dalawang pag-aresto sa wanted persons ang matagumpay na naisagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra droga.
Kabuuang 705.5 gramo ng shabu at 3,276 gramo ng kush ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Bukod dito, 16 na drug personalities ang naaresto, kabilang na ang 10 High-Value Individuals, 4 Street-Level Individuals, at 2 Wanted Persons.
Ayon sa PDEG, inaasahan na ang mga pag-arestong ito ay magdudulot ng matinding dagok sa operasyon ng mga lokal na sindikato ng droga.









