Pumalo pa sa mahigit siyam na raang milyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa datos ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), as of July 30, 2025, nasa P448, 463, 801. 10 ang pinsala sa sektor ng agrikultura habang umabot din sa P3, 646, 300 ang danyos sa livestock.
Naitala rin ang nasa P481, 000, 000 na halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Umabot sa 394, 973 na mga pamilya sa lalawigan ang naitalang naapektuhan sa nagdaang kalamidad.
Nagpapatuloy ang ipina-paabot na tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga nasalanta sa pamamagitan ng isinasagawang mga assessment at analysis upang matukoy ang kailangang tulong ng mga Pangasinenses.









