Kinumpirma ng Pasig City Government na hawak na nila ang pondo para sa #AYUDA na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tig-isang libong piso sa kada indibidwal o maximum na Php 4,000 sa kada isang pamilya.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na aabot sa 681,743 indibidwal na mga residente ng Pasig ang mabibigyan ng ayuda mula sa P681,743,000 na ponding nakalaan sa lungsod.
Base sa Joint Memorandum Circular mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, at Department of National Defense, ang naturang pera na ibinigay para sa mga low-income Families ngayong bumalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Nakasaad din sa Joint Memorandum Circular ang mga nasa prayoridad nasabing ayuda ay ang:
1. Mga pamilyang benepisyaryo ng National/DSWD SAP, kung saan susubukan umano ng alkalde na mauna ang mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd Tranche.
2. Mga waitlisted sa National/DSWD SAP;
3. Mga “vulnerable groups” o “low-income individuals living alone, Persons with Disabilities (PWD), solo parents”;
4. Ang mga “individuals na apektado ng ECQ”, pero nilanaw ng alkalde na kung may matitira pa sa mga pera.
Paliwanag pa ng alkalde na antabayanan nalang umano ang public posting ng listahan at schedule sa Pasig City Public Information Office upang hindi magkalituhan.