MAHIGIT PISONG DAGDAG SA PRESYO NG PETROLYO, IKINALUNGKOT NG MGA TRICYCLE DRIVER

CAUAYAN CITY – Umaaray ang ilang mga tricycle drivers sa Lungsod ng Cauayan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo ngayong Linggo.

Ayon kay Ginoong Cresencio, isang tricycle driver mula sa Brgy. San Luis, wala naman na umanong bago sa pagtaas ng produktong petrolyo.

Subalit aniya, nakakalungkot pa rin dahil patuloy na tumataas ang mga produktong petrolyo habang walang pagbabago sa presyo ng pamasahe.


Dagdag pa nito, hindi umano nagkakasya sa isang araw ang kanyang kinikita sa isang buong maghapon.

Ibinahagi din ni Ginoong Cresencio na umaabot sa P500 hanggang P600 ang kanyang kinikita sa isang araw habang P200 naman ang nagagastos niya sa petrolyo.

Samantala, hiling naman ng mga tricycle drivers kung maaari ay maipatupad na ang dagdag presyo ng pamasahe sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments