Mahigit pisong taas-presyo sa gasolina, nagbabadya sa susunod na linggo

May nagbabadya na namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo, lalo na sa gasolina sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na trading day, posibleng tumaas ng mahigit piso ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa 11 centavos lang ang maaaring itaas sa presyo ng kerosene.


May karampot naman na 7 centavos na rollback sa diesel.

Maaari pa itong magbago depende sa magiging resulta ng huling trading day nitong Biyernes.

Ayon sa Department of Energy, ang panibagong dagdag-bawas ay bunsod ng ipinatupad na production cuts ng Saudi at Russia.

Facebook Comments