Umabot sa mahigit pitong libong indibidwal ang nabigyan ng atensyong-medikal ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong Kwaresma.
Aabot sa 7,205 ang bilang ng mga pasyenteng natulungan ng PRC, base sa datos ng PRC kahapon ng umaga, Abril 20.
Sa nasabing bilang, sa 22 pasyentye ang isinugod sa ospital dahil sa head trauma, severe body pain, at mawalan ng malay kung saan pito rin ang major medical cases dahil nagtamo ito ng fracture o nabaling buto at seizure.
335 pasyente ang bilang na nabigyan ng pa-unang lunas o first aid ng PRC matapos magtamo ng sugat, muscle cramps, jellyfish string, sprain, at dizziness o pagkahilo.
Nasa 6,696 indibidwal ang mga napatinging ng blood pressure.
Facebook Comments