Abot na sa 10,548,906 ng Philippine Identification (PhilID) cards ang naihatid ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga Pinoy sa buong bansa hanggang Abril a-30, ngayong taon.
Ang mga ito ay bumubuo ng 33.7% ng target ng PSA ngayong taon.
Sinabi ni PSA Usec. Dennis Mapa, na maaari na ring ma-verify ang authenticity ng PhilID card at ang impormasyong nakapaloob sa QR code nito sa pamamagitan ng PhilSys Check.
Bahagi ng digital initiatives ng PhilSys, ang inilunsad kamakailan na website na nagbibigay-daan sa mga umaasang partido na madaling magsagawa ng identity verification sa mga PhilID cardholders.
Ginagawa na rin ng PSA ang PhilSys mobile application, na siyang digital version ng PhilID na magagamit sa pampubliko at pribadong transaksyon bago ang physical ID card.