Manila, Philippines – Umabot sa 13 motorista ang nasampolan ng Metropolitan Mla Development Authority sa mas pinaigting na pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA Guadalupe SB pa lamang.
Sa summary ng Apprehension of Task Force Special Operation ng MMDA, 13 motorista ang kanilang natiketan simula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali.
Ayon kay Bong Nebrija supervising officer ng MMDA sa ngayon multa lamang na P200 sa mga bus na lalabas ng yellow lane habang P500 naman ang penalty sa mga pribadong sasakyan na mahuhuling gagamit ng bus lane .
Maliban sa mga lumabag sa yellow lane policy, 9 na city buses din ang natiketan dahil naman sa paglabag sa open door policy, 9 ang lumabag dahil sa number coding, 1 disregarding traffic signs, 4 obstruction at 1 ang lumabag sa light truck ban.
Sinabi ni Nebrija patuloy ang kanilang panghuhuli sa mga violators at nakikiusap din ito sa mga motorista na sundin at respetuhin ang umiiral na batas trapiko.