Mahigit sa 1000 indibidwal na naapektuhan ng gulo sa Marawi, nabigyan ng skills training ng TESDA

Marawi City – Bilang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng naganap na 5 bUwang kaguluhan sa Marawi City.

Binigyan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nasa 1,084 Internally Displaced Persons ng skills training

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa mga IDPs ay mas mapadadali ang gagawing pagbangon ng mga kababayan nating naapektuhan ng gyera sa Marawi City dahil magagamit ng mga ito ang kanilang natutunang kasanayan sa paghahanap ng mapagkakakitaan sa loob at labas ng bansa.


Kabilang dito ang cake making; dressmaking; massage therapy; carpentry; pastry making; silk screen printing of t-shirt; prepare poultry and vegetable dishes at agri-crops production.

Bukod dito, umabot din sa 2,500 apektadong pamilya ang nabigyan ng TESDA ng relief goods na kinabibilangan ng bigas, canned goods, tubig, assorted hygiene materials, noodles, food packs, tsinelas, tuwalya at iba pang pangunahing pangangailangan.

Hinikayat din ng kalihim ang mga kababayan nating naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City na gustong magkaroon ng kasanayan mula sa TESDA na magtungo lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng ahensiya.

Facebook Comments