Mahigit sa 1,000 karagdagang kaso ng BA.5 subvariant ng COVID-19, natukoy ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 1,011 kaso ng BA. 5 subvariant ng COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng rehiyon ay may naitalang BA.5 variant at natatanging ang BARMM lamang ang nakapagtala ng isang kaso.

690 sa mga kasong ito ay fully-vaccinated, 12 ay partially vaccinated, tatlo ang hindi pa bakunado, habang inaalam pa kung bakunado ang 306 na iba pa.


907 naman sa mga bagong tinamaan ng Omicron subvariants ay magaling na habang 53 ang patuloy pang nagpapahaling at inaalam pa ang estado ng 49 na iba pa.

19 naman ang bagong kaso ng BA.4 subvariant.

Facebook Comments