*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa kabuuang 1,142 ang mga pulis na napromote sa kanilang mga posisyon na nanumpa ngayong araw matapos ang masusing pagpili ng Police Regional Office Promotion Board.
Una rito, sumailalim ang may mahigit sa 1,000 unipormadong pulis sa isinagawang eksaminasyon at panayam ng PRO2 Promotion Board na pinamunuan ni P/BGen. John Cornelius Jambora, Deputy Regional for Administration at P/Col. Jimmy Garrido, Chief ng RPRMD na ilan sa mga kabilang na pulis ay 31 Police Commissioned Officers (PCOs) at 1,111 Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) habang 31 PCOs, 1 Police Lieutenant Colonel, 8 Police Majors, 4 Police Captains at 18 Police Lieutenants habang 1,111 PNCOs, 281 Police Executive Master Sergeants, 152 Police Chief Master Sergeants, 270 Police Senior Master Sergeants, 300 Police Master Sergeants, 97 Police Staff Sergeants at 11 Police Corporals.
Pinuri ni Regional Director P/BGen. Angelito Casimiro ang lahat ng napromote sa kanilang mga ranggo dahil marapat lamang ito sa kanila ngunit nagpaalala ito na sa kabila ng kanilang promotion ay may kaakibat itong dagdag na responsibilidad.
Samantala, sa ginawang talumpati ng pagtanggap ni P/Lt.Col Rico Cayabyab, inihayag nito ang kanyang lubos na pasasalamat kay Acting Regional Director, Command Group, Directorial Staff at Promotion Board sa suporta na ibinigay sa kanya para sa kanyang promosyon.
Dagdag pa nito na dapat bigyang halaga ang promotion at hindi ito nagpapahiwatig lamang sa pagtaas ng sahod kundi simbolo ito ng higit na responsibilidad para sa higit na pagbibigay ng tulong sa tao.
Binigyang diin nito na ang nakamit na promotion ay isang inspirasyon para pagsilbihan ang komunidad.