Mahigit sa 1,500 Pamilya sa Probinsya ng Cagayan, Inilikas na

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa kabuuang 1,889 ang mga apektadong pamilyang inilikas mula sa 15 bayan sa Probinsya ng Cagayan dahil sa nararanasang pag uulan dulot ni Bagyong Ramon.

Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, inilikas na ang mahigit sa limang libong katao mula sa 15 bayan dahil sa posibleng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar sa probinsya.

Sinabi pa ni Gov. Mamba na hindi na madaanan ang ilang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Tuguegarao maging ang kahabaan ng Pawi Bridge na pansamantalang isinara dahil sa bahagyang pag apaw ng tubig sa lugar.


Kaugnay nito, nakapreposition pa rin ang ilang mga relief packs para sa mga apekatadong pamilya.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa buong probinsya.

Facebook Comments