Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na umabot na sa 16,3735 estudyante na ang nabigyan ng 20% diskwento sa pamasahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) simula noong Agosto 22, unang araw ng Balik-Eskwela ngayong taon, hanggang noong September 29 ngayon taon.
Ayon sa DOTr sa naturang bilang 3,509 estudyante ang naitalang nabigyan ng diskwento sa kanilang mga Single Journey Ticket (SJT) sa buong buwan ng Agosto, samantalang 12,866 estudyante naman ang nakinabang sa parehong diskwento ngayong Setyembre.
Paliwanag ng DOTr na mapakikinabangan ang diskwento sa pamasahe sa MRT-3 ng lahat na estudyante mula Lunes hanggang Linggo, sa buong oras ng mga operasyon ng linya.
Dagdag pa ng DOTr wala silang dapat na gawin ng mga estudyante kundi ipakita lamang ang kanilang valid student ID o orihinal na kopya ng enrolment/registration form sa pagbili ng SJT sa ticketing booth upang makapag-avail ng naturang diskwento.