Mahigit sa 3,000 Katao sa Cagayan, Lumabag sa Umiiral na ECQ

*Cauayan City, Isabela*- Pinaigting ngayon ng Cagayan Police Provincial Office ang lahat ng control point sa probinsya upang matiyak na magpapatuloy ang pagiging ‘zero case’ nito sa Corona virus disease habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Provincial Director PCOL. Ariel Quilang, iginiit nito na sasampahan ng kaso ang mga lalabag sa ipinapatupad na Social Distancing sa kabila ng banta ng covid-19 sa bansa.

Dagdag pa ng opisyal na nakapagtala ang pulisya ng Cagayan ng 2,418 na lumabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act); 586 katao naman ang lumabag sa pagpapatupad ng curfew hours at 359 sa paglabag ng Liquor Ban.


Maliban ditto, batay naman sa naging datos ng CPPO, naaresto ang nasa 277 na katao na Most Wanted Person sa ilang kaso gaya ng Illegal Gambling at PD 705.

Samantala, tumaas naman ang crime rate sa loob ng 35 days na naitatala ng CPPO simula February 11 hanggang March 20,2020 ay mayroong kabuuang 1, 295 habang umiiral ang ECQ kung saan nadagdag ang 1,077 ang naitala.

Paalala naman nito sa publiko ang ugaliin na sumunod sa abiso ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at makaiwas sa banta ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments