Mahigit sa 400 Katao sa Dalawang Bayan sa Cagayan, Inilikas na

*Cauayan City, Isabela- *Pansamantalang inilikas ang may mahigit sa 400 na katao mula sa Bayan ng Gattaran at Sta. Praxedes dahil sa patuloy na nararanasang pag uulan sa buong Probinsya ng Cagayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Gov. Manuel Mamba, patuloy ang kanilang ginagawang pag antabay sa mga lugar sa probinsya lalo na sa mga madalas bahain kapag nakakaranas ng malalakas na buhos ng ulan.

Dagdag pa ni Governor Mamba na binabantayan din nila ang posibleng pag apaw ng tubig sa Abulog River sa Kalinga dahil wala itong flood control device warning.


Kaugnay nito, patuloy namang nakabantay ang ‘TaskForce Lingkod Cagayan’ upang umaksyon sa kahit anong insidente sa lugar sa probinsya.

Samantala, bahagyang nasira ang Impounding Facilities sa Bayan ng Ballesteros, Cagayan bunsod ng pag uulan.

Facebook Comments