Mahigit sa 50 OFWs na nag-avail ng amnesty program, balik-Pinas ngayong araw

Manila, Philippines – Tiyak na makakasama na ng mga itinuturing na bagong bayani ang kani-kanilang mga pamilya at mahal sa buhay ngayong Pasko.

Ito ay dahil 54 na Overseas Filipino Workers na sinasabing undocumented ang nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan.

Dadating ang mga ito mamayang alas-otso ng umaga sa NAIA terminal 1 lulan ng Philippine Airlines flight PR657 galing Abu Dhabi.


Ang 90-araw na amnestiya ay una nang nagtapos noong Marso pero ito ay pinalawig upang bigyang panahon ang mga banyagang walang dokumento na makapag-avail ng nasabing programa.

Saklaw ng amnesty program ang mga undocumented, overstaying na foreign indibidwal, mga OFW na nag-expire na ang residence permit at mga OFW na inabandona ng kanilang mga amo.

Sa tala ng DFA mahigit sa walong libong mga OFWs na ang nakapag-avail ng amnesty program.

Facebook Comments