Sa Butuan, umabot sa 1,027 ang mga loose firearms na nakompiska at boluntaryong isinuko sa pulisya mula Enero 13 hanggang Marso 29, 2019.
Iprenesenta kahapon ang resulta sa series of focused police operations ng Police Regional Office 13, kung saan sinabi ni P/Bgen. Gilberto Dc Cruz na 89 sa mga baril ang nakompiska ayon na rin sa implementasyon ng Comelec gun ban habang 938 na mga baril naman ang boluntaryong isinuko sa pulisya.
Sa record ng Regional Operations Division, 75 na mga gun ban violators ang nadakip ng sinimulan ang implementasyon.
Ikinagalak naman ng Philippine National Police (PNP) ang pagtugon ng mga may-ari ng baril sa isinagawang house to house o oplan katok ng pulisya para hikayatin ang mga ito na irenew ang lisensya ng kanilang mga baril.