Mahigit siyam na libong aplikante pumasa bilang patrolman candidates sa 2019 recruitment ng PNP

Mahigit syam na libong aplikante ang nakapasa bilang Patrolman candidates sa 2019 recruitment program ng Philippine National Police.

 

Ayon kay PNP OIC Plt Gen Archie Gamboa, ang bilang na ito ay mula sa 38,357 aplikante na prinoseso ng iba’t ibang Police Regional Offices at National Support units.

 

 

Nanumpa ang mga ito sa serbisyo sa ranggong Patrolman na may Basic monthly pay na P29,668.00 at iba pang benepisyo.


 

Ang mga Patrolman candidates ay sasailalim sa 6 na buwang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) sa National Police Training Institute (NPTI) at karagdagang anim na buwang Field Training Program bago sila ibabalik sa kanilang mga mother units para sa full duty status.

 

Ang PNP ay binibigyang karapatan  ng National Police Commission na mag-recruit ng 10,000 pulis ngayong taon para punuan ang mga bakante at bagong-bukas na posisyon.

Facebook Comments