Mahigit tatlong daang metriko tonelada ng basura, nahakot sa nagdaang Traslacion

Umabot sa mahigit tatlong daang metriko tonelada ng basura ang nahakot sa nagdaang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, nasa 1,138 cubic meters in volume o katumbas ng 382 metric tons ang nahakot ng basura kasama na sa mga rutang dinaanan ng Traslacion.

Sa ngayon, mas naging mabilis na rin ang paghahakot ng basura at damay na rin ang mag naka-tengga mula pa noong pagpasok ng Bagong Taon.


Samantala, pinuri naman ng Manila LGU at ng Manila Police District (MPD) ang mas ligtas na Traslacion 2025 kahit na mas marami ng dalawang milyon ang mga dumalong deboto.

Facebook Comments