Aabot sa mahigit tatlong libong mga mag-aaral sa Siquijor ang naabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government.
Ayon kay Siquijor Lone District Rep. Jake Villa, layon ng educational assistance program na mabigyan ng karagdagang panggastos ang mga elementary at high school students sa kanilang pangangailangan sa paaralan.
Ang mga mag-aaral na nasa elementarya ay nakatanggap ng P1,000 habang P2,000 naman para sa mga high school students na maaaring gamitin sa school supplies, libro at internet allowance.
Paunang batch pa lamang aniya ito mula sa kabuuang P13 million educational assistance para sa 9,043 na mag-aaral sa buong lalawigan..
Malaki naman ang pasasalamat ng mambabatas sa DSWD na katuwang sa pag-paaabot ng tulong upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pandemya.