Isang araw bago ang pagsisimula ng election period, inatasan na ang hanay ng kapulisan sa pagpapatupad ng mas pinaigting na checkpoint para sa halalan 2025.
Sa lalawigan ng Pangasinan, inihayag ni Pangasinan PPO PIO chief Trisha Mae Guzman, kabuuang tatlong libo, dalawang daan at siyamnapu’t-apat ang ipapakalat na mga kapulisan partikular sa mga checkpoints lalo ngayong ipatutupad bukas ang gun ban bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa rito ang mga quick response teams na ilalagay sa mga police assistance desks maging sa mga establisyimento na bahagi rin ng kanilang mga hakbangin. Inaaasahan ang regular na pag-momonitor ng pagpapatrolya ng hanay ng kapulisan upang matututukan ang anumang posibleng banta.
Tiniyak ng pamunuan na mas paiigtingin ang kanilang mga isinasagawang aksyon upang mapanatiling ligtas at makaiwas sa pagkakatala ng anumang election-related incidents sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments