MANILA – Mahigit tatlong milyong mga opisyal na balota na ang na-imprenta ng Commission on Elections (COMELEC) para sa darating na eleksyon.Pero ayon kay COMELEC Printing Committee Head Genevieve Guevarra – Mabilis ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan subalit nagtatagal ang mga ito sa Vote Counting Machine para sa Verification Process.Sinabi pa ni Guevarra – Posibleng magdagdag ng mga tauhan ang poll body upang mapabilis ang mga verification process ng mga balota.Aniya, maayos naman ang pag-imprenta ng mga balota dahil wala pa namang narereject sa mga makina subalit may mga ilang balota ang mali ang pagkakaputol at ito’y isasailalim sa quarantine.Ang mga balotang isinailalim sa quarantine ay itatago sa tanggapan ng National Printing Office (npo) at sisirain pagkatapos ng eleksyon.Ayon pa kay Guevarra – Kapag kinakailangan pang magre-print, kailangan pa ng comelec na humingi ng otorisasyon sa Santa Rosa kung saan galing ang mga ballot faces.Samantala, ang mga naberipikang mga balota ay dadalhin na sa shipping warehouse sa Marikina City upang nakatakdang maipadala sa mga lugar na nakumpleto na ang bilang ng balotang kakailanganin sa darating na halalan. (DZXL 558 – Aron Jay Estandarte)
Mahigit Tatlong Milyong Mga Balota Ang Naimprenta Na Ng Commission On Election Poll Body, Madagdag Ng Mga Tauhan Upang M
Facebook Comments