City of Ilagan, Isabela – Pangungunahan ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz ng Ilagan, Isabela ang pamamahagi ng scholarship assistance sa may 685 scholars ng Saint Ferdinand College ngayong araw.
Ayon kay ginoong Paul Bacungan, City Information Officer ng Ilagan na may tatlong programa ang scholarship, ito umano ay ang ibibigay na Academic Excellent Scholarship na kung sakali umano na dalawampung libong piso (Php20,000.00) ay ibibigay ito kung saan ay mayroong apatnapu’t dalawang scholars.
Ang Scholarship Assistant for Ilagan Talented Student ay mayroong 553 scholars na may ipapamahagi umano na limang libong piso (Php5,000.00) bawat semester.
May tinatawag din umano na Success Scholarship Program na para naman sa mga nag-aaral ng masteral program na may nakukuhang lima hanggang tatlumpung libong piso (Php5-30,000.00) na depende umano sa kanilang mga kurso.
Paliwanag pa ni ginoong Bacungan na sa susunod na buwan ay maaring ipapamahagi ang ibang scholarship assistance dahil sa marami umano ang nag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa lalawigan ng Isabela maging sa metro manila kung saan ay may mahigit na apat na libong scholars ang City of Ilagan.
Samanatala ang scholarship program ng City of Ilagan ay dati nang sinimulan ni dating mayor Jayve Diaz na ngayon ay SP Member ng Ilagan at itinuloy-tuloy naman ni Mayor Mudz Diaz.