Mahigit tatlong trilyong national budget para sa 2018, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, aprubado ng pangulo ang P3.767 trillion national budget.

Aniya, pinaplantsa na lamang ang 2018 national budget para maisumite kay Pangulong Duterte sa mismong araw ng kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa July 24.


Sa nasabing proposed budget, ang Department of Education ang may pinaka-mataas na alokasyon para sa susunod na taon.

Ang iba pang ahensya na may malaking parte ng panukalang pambansang pondo ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Interior and Local Government (DILG); Department of Health; Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Agriculture (DA); at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaasahan na isusumite sa kongreso ang 2018 proposed national budget na inaasahang bubusisiin ng mga mambabatas bago tuluyang aprubahan.

Facebook Comments