Mahigit Walong Galon ng Dugo Nalikom ng RMN Cauayan sa BloodLetting!

Cauayan City – Umabot sa halos tatlumpong libong CC ng dugo o katumbas ng walong galon ang nalikom ng RMN Cauayan kaugnay sa ginanap na bloodletting activity dito sa Lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 66th year anniversary ng RMN sa buong bansa.

Pasado alas dyes ng umaga kanina ng magsimula ang maikling programa na ginanap sa SM Cauayan at sinundan ito ng sunod sunod na pagdagsa ng mga taga suporta at nais makibahagi na mga taga Isabela sa bood donation activity ng RMN Cauayan.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang mga dugo ay mula sa hanay ng PNP, Phil.Army,Guardians,Motor Raiders Club, at ilan pang mga samahan at indibidwal na tumugon sa panawagan ng himpilan upang mabigyan ng sapat na supply ng dugo ang mga blood banks dito sa lalawigan.


Sa pagtatapos ng programa kaninang hapon ay pinasalamatan ni RadyoMaN Cris Estolas ang lahat ng grupo sa pangunguna ng RedCross Isabela sa pamamagitan ni Gng.Stephanie Cabrera at marami pang grupo at indibidwal na nakibahagi para sa matagumpay na pagsasagawa ng bloodletting ng RMN Cauayan bilang bahagi ng ika anim naput anim na anibersaryo ng Radio Mindanao Network sa buong bansa.


Facebook Comments