Mahigit ₱1-B armas at mga kagamitan na binili ng PNP, hindi nai-deliver ng PITC

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Philippine National Police (PNP) na i-recover ang mahigit isang bilyong piso na binili nitong mga armas at kagamitan na hindi nai-deliver ng Phlippine International Trading Corporation (PITC).

Sinabi ito ni Drilon sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 budget ng PNP na nagkakahalaga ng ₱190.5-billion.

Sinabi naman ni PNP Chief General Camilo Cascolan na nakikipag-ugnayan na sila sa PITC para makuha ang binayaran nilang mga kagamitan at armas.


Tinukoy ni Drilon na base sa report ng Commission on Audit (COA), taong 2016 pa nakuha ng PITC mula sa PNP ang mahigit ₱1.3-billion pero halagang ₱311 million lang na mga armas at kagamitan ang naibigay nito.

Kaugnay nito ay pinagsusumite ni Drilon ng timetable si Gen. Cascolan kung kailan nila mababawi ang perang ibinigay sa PITC o kung kailan nila makukuha ang mga biniling armas at kagamitan.

Facebook Comments