Mahigit ₱1-B na pondo para sa tablet computer ng mga estudyante at laptops sa mga guro, aprubado na ng City Council ng Pasig City

Inaprubahan na ng Pasig City Council ang Php 1.2 billion budget para sa pagbili ng tablet computers para sa mga estudyante at laptops para sa mga teachers sa paparating na school year kapag maisantabi na ang face-to-face classes.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Education (DepEd) sa posibleng gagawing learning system sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Nabatid na umaabot sa 140,000 ang bilang ng estudyante sa Pasig City kung saan 75,019 ang nasa elementarya at junior high school habang umaabot naman sa 49,100 ang mga senior high school.


Bibigyan din ang mga estudyante mula sa Day Care at Special Education (SPED) program ng local government.

Facebook Comments