Mahigit ₱1-T alokasyon para sa DPWH sa 2025

Umakyat sa mahigit isang trilyong piso ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025.

Batay sa napagkasunduan sa Bicameral Conference Committee, pinabibigyan na ng ₱1.113 trillion na alokasyon ang DPWH sa susunod na taon mula sa orihinal na budget proposal na ₱825 billion.

Paliwanag naman dito ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe, pinondohan na kasi sa ilalim ng programmed funds ang mga foreign assisted projects o yung mga proyektong ipinang-utang sa ibang bansa at kailangan ng katapat na pondo mula sa gobyerno.


Sinabi ni Poe na may kanya-kanya silang amendments na ipinasok na mga mambabatas at pinili nila kung anong proyekto ang kailangang mapondohan.

Dagdag pa ni Poe, pagdating sa flood control projects ng DPWH ay naglagay sila ng guidelines para sa pagmo-monitor ng progreso ng flood control projects na ipagagawa.

Facebook Comments