Timbog ang limang suspected pushers ng ipinagbabawal na droga sa Pasig City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.
Nakilala ang tatlong lalaking suspek na sina Benjamin Solver Rodrigo, 52; Jeffrey Apawan Rendal, 38; at James Santos Benavidez, 41.
Arestado rin ang dalawang babaeng suspek na sina Rowena Renoblas Seroy, 39, at Liezel Unida Hibay, 40.
Nakuha mula sa kanilang ang 25 grams na umano’y shabu na may katumabas na halagang ₱170,000.00.
Narekober din ng mga otoridad ang ₱500 at ilang drug paraphernalia.
Ang Southern Police District o SPD Drug Enforcement Unit ang nagsagawa ng nasabing operasyon sa may kahabaan ng GSIS Road, Brgy. Rosario, Lungsod ng Pasig, pasado alas-2:30 kahapon ng hapon.
Nakakulong na ang mga suspek sa SPD Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.