Tuloy-tuloy sa pag-agapay ang pamahalaan sa mga sinalanta ng nagdaang Bagyong Enteng at Habagat.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa ₱136.1 million na ang halaga ng tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga apektadong residente.
Sa kabuuan, nasa 151, 147 mga pamilya ang nabigyang ng tulong ng pamahalaan mula sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 7, 8, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Ang mga ito ay napagkalooban ng family food packs, mga damit, gamot at iba pa.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa mahigit 2.3-M indibidwal o 675,428 pamilya ang nasalanta ng nagdaang Bagyong Enteng at Habagat.
Facebook Comments