Mahigit ₱166-M na halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEA sa Basco, Batanes

Nasa kabuuang ₱166.6 million ang halaga ng iligal na droga na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Kaychanarianan, Basco Batanes.

Ang kontrabando ay may label na nakasilid sa vacuum sealed box.

Mismong ang mga mangingisda sa lugar ang nag-turn over sa mga kontrabando sa mga awtoridad.

Naniniwala naman ang PDEA na bahagi pa rin ang shabu ng mga naglutangang kontrabando sa Pangasinan, Zambales at Cagayan.

Facebook Comments