Mahigit ₱2-M halaga ng droga mula California, nasamsam sa isang warehouse sa Pasay City

Naharang ang nasa mahigit P2,000,000 halaga ng iligal na droga mula sa anim na abandonadong parcel na tinangkang ipuslit papasok sa bansa.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nasabat ang mga parcel sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road sa Pasay City.

Ang mga naturang parcel ay nagmula sa Sacramento, California, na naka-consignee sa Biñan City, Laguna at Tinglayan, Kalinga, kung saan ideneklara itong mga damit.

Ayon sa PNP AVSEGROUP, natuklasan ang iligal na droga ng idaan sa x-ray machines at manu-manong inspeksyon ng BOC na nakalagay sa vacuum-sealed pouches.

Ang mga nasamsam na iligal na droga na marijuana o Kush ay tumimbang ng humigit -kumulang sa 1,502 kgs. na may standard drug price na aabot sa P2,102,800.

Agad namang nai-turnover sa BOC sa Ninoy Aquino International Airport – Philippine Drug Enforcement Agency (NAIA-PDEA) ang drug paraphernalia para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments