Mahigit ₱5 milyong halaga ng marijuana plants, pinagbubunot at sinunog sa Benguet at Kalinga

Sinalakay ng mga tauhan ng Cordillera Police ang limang cannabis plantation sa Benguet at Kalinga.

Unang sinalakay ang marijuana plantation sa Kalinga kung saan, pinagbubunot at sinunog ng mga pulis ang nasa 25,500 fully grown marijuana plants na may estimated standard drug price ₱5.1 milyon.

Ito ay nakatanim sa dalawang plantation sites sa Brgy. Ngibat, Tinglayan, Kalinga na may total land area na nasa 2,200 square meters.


Habang sa ginawang pagsalakay sa isang marijuana plantation sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet, nakuha ang 2,800 fully grown marijuana plants na may estimated standard drug price na ₱560,000.00

Walang naarestong cultivators ang mga pulis nang isagawa ang pagsalalay.

Sa ngayon, tiniyak ng PNP na tuloy ang kanilang operasyon kontra iligal na droga.

Facebook Comments