Mahigit ₱6.1 milyong halaga ng marijuana ang winasak ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 (PRO1) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Sugpon, Ilocos Sur at Santol, La Union.
Natuklasan sa dalawang lugar ang 12 plantasyon ng marijuana na may kabuuang halagang ₱6,123,200 batay sa Dangerous Drugs Board.
Sa Sugpon, Ilocos Sur, winasak ang 18,500 fully grown at 1,250 punla ng marijuana habang 11,300 halaman at 2,830 punla naman ang natagpuan sa Santol, La Union.
Agad na sinunog ng mga awtoridad ang mga halaman matapos makuha ang mga sample para sa pagsusuri at dokumentasyon.
Bagamat walang naaresto sa mga operasyon, siniguro ng mga awtoridad ang pinaigting na pagbabantay at pagpapatrolya sa mga liblib na lugar upang mapuksa ang ilegal na droga.









