Mahigpit na border control sa NCR plus laban sa Delta variant, kailangan – ayon kay VP Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo ng mahigpit na border control sa National Capital Region (NCR) at apat na kalapit na lalawigan para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa mga sentro ng komersyo ng bansa.

Matatandaang pinayagan nang lumabas ng bahay ang mga batang edad limang taong gulang at pataas, maging ang mga senior citizens na fully vaccinated.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang pagluluwag ng restrictions sa NCR ay walang problema basta maayos na naipapatupad ang minimum health standards.


Ang paghihigpit sa Metro Manila ay hindi madali dahil nandito ang mga trabaho at negosyo.

Dapat paghusayan pa ng pamahalaan ang vaccination rollout at may suporta sa Philippine Genone Center (PGC) para mapabilis ang pag-detect ng COVID-19 variants.

Iginiit ni Robredo na hindi kakayanin ng bansa na humantong sa ikatlong surge lalo na at hindi pa bumababa sa pre-surge levels ang mga kaso.

Mahalaga ring itaas ang kapasidad ng mga ospital para makapaghanda ang mga ito sakaling may mangyaring surge.

Facebook Comments