Ipatupad ang curfew sa mga menor de edad para mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan. Ito ang ipinalabas na kautusan ni PRO 12 Regional Director Chief Supt.Marcelo Morales
Sinabi pa ni Morales, layon nito na mabigyan ng solusyon ang tumataas na kaso ng Children in Conflict with the law o CICL sa rehiyon.
Giit pa ni Morales na personal nilang tintutukan ang mga programa ng bawat police unit para sa proteksyon ng mga kabataan. Sa datus ng PNP abot sa 206 na mga bata sa rehiyon ang nasangkot sa krimen mula buwan ng Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Pinakamarami sa mga kinasasangkutan ng mga kabataan ay nasangkot sa pagnanakaw, sumunod ang Physicial injuries, gang riot o rumble, paglabag sa curfew hours, pangagahasa at Acts of Lasciviousness.
Ipinahayag ni Morales para maresolba ang problema pinaigting ng PNP ang kanilang “Oplan Galudad” sa mga depressed areas para mahuli ang mga menor de edad na sangkot sa krimen.
Inihayag pa ni Morales sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang”Oplan Sagip Anghel” para labanan ang pang-aabuso sa mga kabataan at human trafficking.(Amer Sinsuat)
Mahigpit na curfew hour mahigpit na ipinapatupad sa mga kabataan sa Region 12
Facebook Comments