Nananatiling maganda ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor, partikular para sa mga proyektong layong magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang ground-breaking ceremony ng multi-specialty hospital sa Clark, Pampanga kahapon.
Sinabi ng pangulo na palaging bukas ang pribadong sektor, tuwing humingi ng tulong ang gobyerno, kabilang na sa mga infra programs.
Maging ang mga funding agency aniya sa ibang bansa, palaging naaasahan ng pamahalaan.
Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, kailangan talaga ng tulong mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, para makamit ang pag-unlad na inaasam ng bawat Pilipino.
Facebook Comments