Mahigpit na koordinasyon ng IATF sa LGUs, mahalaga sa pagbabago ng Alert Level status sa NCR

Iginiit ni Senator Nancy Binay ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF sa mga Local Government Unit o LGU.

Ayon kay Binay, para ito sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw.

Diin ni Binay, mahalagang nachi-check na mabuti ng IATF kung nakahanda na ang health at safety measures na ipatutupad sa mga magbubukas na establisyemento.


Paliwanag ni Binay, dapat ay malinaw at hindi magkakasalungat ang ipatutupad na patakaran sa NCR sa lahat ng age groups para hindi magulo.

Hindi rin sigurado si Binay kung may inilatag ang IATF na patakaran para maging ligtas sa virus ang mga sinehan at arcades.

Ikinatwiran pa ni Binay na mababalewala ang lahat ng protocols, kapag may isang infected or asymptomatic movie-goer ang makalusot at makapanghawa kaya hindi pa rin dapat maging kampante.



Facebook Comments