Ngayon pa lang ay nakikita na ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na magiging mahigpit ang labanan sa 2025 elections na lalong titindi pagsapit ng 2028 presidential elections.
Sinabi ito ni Castro, sa gitna ng nalalantad na lumalalang alitan sa pagitan ng nina First Lady Liza Marcos at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Castro, repleksyon ito ng lumalaking bangayan sa pagitan ng pamilyang Marcos at pamilyang Duterte.
Kaugnay nito ay ipinaalala naman ni Castro sa first lady na siya ay hindi elected official kaya walang mandato at dapat walang ‘say’ sa pamamalakad ng gobyerno.
Diin ni Castro, bahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gusto niyang panatilihin sa kanyang gabinete ang isang Vice President na tila gumagalaw nang pailalim kontra sa kaniya.