Mahigpit na lockdown, pwede pa ring ipatupad ni Pangulong Duterte sa harap ng banta ng Delta variant

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang galaw sa mga komunidad lalo na at banta ang mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi mag-aalinlangan ang pangulo na ibalik ang mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) para protektahan ang kalusugan ng mga tao.

Ibabatay aniya ng pangulo ang kanyang mga magiging desisyon sa opinyon ng mga eksperto mula sa Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19.


Bagamat mahirap ipatupad ang ECQ, umaapela si Pangulong Duterte sa lahat ng kooperasyon lalo na ng local government units (LGUs) para hindi na kumalat pa ang virus.

Ipinapanawagan din ng Pangulo sa publiko na magpabakuna sa lalong madaling panahon para mapalakas ang proteksyon laban sa sakit, at sundin ang health protocols.

Facebook Comments