Pagtupad ng Tungkulin, Mahigpit na Ipinag-utos ni City Director Aggasid!

22

Santiago City- Mahigpit ang naging direktiba ni Santiago City Police Office (SCPO) Director, PSSupt. Juan Ramel Aggasid sa lahat ng kapulisan sa lungsod kaugnay sa mandato nitong ibayong pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa isinagawang flag raising ceremony kanina ay muling ipinaalala ni City Director, PSSupt. Aggasid sa lahat ng kanyang kapwa pulis ang pagganap ng mga ito sa kanilang tungkulin lalo na kung sila ay nakaduty.

Aniya, mainam din umano na dapat laging nakaalerto ang mga ito upang anumang oras ay handa sila sa mga responsibilidad na dapat nilang gampanan lalo na sa kanilang mga kampanya kontra kriminalidad.

Samantala, mahigpit din nitong itinagubilin sa lahat ang kooperasyon ng bawat isa kaugnay sa kanilang bagong inilatag na aktibidad kung saan ay layuning tiyakin ang kapayapaan sa nalalapit na halalan ngayong taon.

Facebook Comments