MAHIGPIT NA MGA HAKBANG PARA SA SEGURIDAD NG MGA TURISTA AT RESIDENTE, IPATUTUPAD NG LGU BOLINAO NGAYONG SEMANA SANTA

Mahigpit na babantayan ng lokal na pamahalaan ng Bolinao, Pangasinan ang seguridad at kaligtasan ng mga residente at turista sa bayan mula Abril 1 hanggang Abril 5, 2026 bilang bahagi ng Semana Santa.

Sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan, kailangang magparehistro ang lahat ng papasok na bisita at magbayad ng Php 40 user’s fee.

Ipinagbabawal ang overnight stay sa pampublikong lugar, paglangoy sa breakwater, at pag-inom ng alak sa pampublikong pasyalan.

Limitado rin ang kapasidad sa mga tourism sites na babantayan ng Incident Management Team (IMT) mula 6:00 AM hanggang 6:30 PM.

Obligado naman ang mga resort at hotel na maglaan ng life vest at lifeguards, at tiyakin ang kaligtasan ng mga batang naliligo.

Ipinaalala rin sa mga may alagang hayop na kailangan nasa leash o cage, hindi pinapayagang maligo sa pampublikong tubig, at dapat naka-diaper ang mga ito.

Nagbabala ang lokal na pamahalaan na ang sinumang lalabag sa patakaran ay papatawan ng kaukulang parusa at kung establisyimento naman ay maaaring suspindihin o kanselahin ang business permit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments