MAHIGPIT NA PAGBABANTAY AT PAG-IWAS SA PALILIGO SA ILOG, PANAWAGAN NG LGU BAYAMBANG

Mas pinaigting ng LGU Bayambang ang panawagan para sa mas mahigpit na pagbabantay at pag-iwas sa paliligo sa ilog, lalo na ng mga kabataan, kasunod ng malagim na insidente ng pagkalunod na ikinasawi ng ilang estudyante nitong nakaraang linggo.

Sa halip na simpleng paalala, layunin ng pamahalaang bayan na palakasin ang kolektibong responsibilidad ng iba’t ibang sektor, mula sa mga paaralan hanggang sa mga barangay at mga magulang, upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan, lalo na sa mga lugar na may ilog at iba pang anyong-tubig.

Nanawagan ang LGU sa Department of Education, mga Barangay Council, at Municipal Federated Parents-Teachers’ Association na magsagawa ng mas pinaigting na information drive at regular na pagpapaalala sa mga estudyante hinggil sa panganib ng pagligo sa ilog nang walang sapat na gabay at seguridad.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga magulang at tagapag-alaga sa pagbabantay sa kanilang mga anak.

Ayon sa LGU, hindi lamang responsibilidad ng isang ahensya ang pagtiyak sa kaligtasan ng kabataan kundi tungkulin ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments