Sa kabila na ibinaba na sa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na walang magbabago sa kanilang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols.
Aniya, inutos niya sa lahat ng unit commanders sa Metro Manila na pag-aralan ang guidelines para sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila para madali itong maipapatupad ng mga pulis sa field.
Nais ni PNP chief na walang mangyayarig kalituhan sa kaniyang mga tauhan sa pagpapatupad na bagong Alert Level mula October 16 hanggang October 31.
Sa ngayon, hindi tumitigil ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa Local Government Units o LGUs para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga guideline.
Samantala, pinagagawa naman ni PNP chief ng kinakailangang adjustment ang mga unit commander sa labas ng Metro Manila depende sa community quarantine classification sa kanilang nasasakupang lugar.