Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mas pinaigting pang pagbabantay kontra aksidente sa kakalsadahan lalo na ang pagbabantay sa mga di umano’y karera ng motorsiklo.
Panawagan ng alkalde ng bayan ang pakikipagtulungan ng mga barangay sa mahigpit na pagbabantay sa mga kalsada upang maiwasan ang aksidente o vehicular traffic incidents (VTI).
Sa tala ng PNP Mangaldan, triple umano ang naitalang kaso ng VTI sa bayan ngayong taon kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Inatasan ngayon ang mga barangay officials na mahigpit na tutukan ang mga lihim na nagaganap na karerahan ng motorsiklo sa ilang barangay lalo at mdalas umanong nasasangkot ang mga menor o kabataan dito.
Dapat umanong matigil ang ilegal na aktibidad upang maiwasan ang aksidente o mga matitinding trahedya sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments