Mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan, patuloy na isinasagawa ng MARINA ngayong holiday season

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Offices I at II upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.

Ito ay sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2025.

Ayon sa pamunuan ng MARINA, layon ng kanilang operasyon na matiyak na sumusunod ang mga sasakyang pandagat sa itinakdang kapasidad ng pasahero, may kumpletong safety equipment, balidong dokumento, at kwalipikadong tripulante.

Naglagay rin ang ahensya ng Public Assistance Desk sa bawat pantalan upang agarang tumugon sa mga reklamo at concern ng mga pasahero.

Tiniyak ng MARINA ang tuluy-tuloy na koordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.

Matatandaang inanunsyo ng MARINA na magsasagawa sila ng masinsing inspeksyon mula December 20 hanggang January 4 sa mga pantalan sa Alaminos City, La Union, at Aparri, Cagayan.

Facebook Comments