MAHIGPIT NA PAGBABANTAY SA PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN SA MGA NASA ILALIM NG STATE OF CALAMITY SA PANGASINAN, PATULOY NA TINUTUTUKAN

Patuloy ang pagtutok ng Department of Trade and Industry Pangasinan sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa 22 bayan at lungsod na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa tanggapan, dapat itong sundin ng mga establisyimento sa loob ng animnapung araw base na rin sa nakapaloob sa ilalim ng Price Act.

Isa-isang tinignan ang presyuhan ng mga bilihin upang matiyak na walang lumalabag sa nasabing batas.

Samantala, kabilang sa mga nasa state of calamity ang lungsod ng Dagupan, San Carlos, at Alaminos at 19 pang bayan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments